
- 17 years na kame magbestfriends
- Malds ang tawag ko sa kanya dahil maldita sya
-Nung nabungi ako nung bata pa ko nagpabunot din sya ng ngipin kaya pareho kaming bungal
- naglalagay kami ng buhangin sa ulo nung bata pa kame kasi masarap sa pakiramdam
-mahilig kami magbike lalo pag nagpapahabol sa aso habang nakaangkas ang kapatid ko sa likod
- naglalaro kami ng palengke-palengkehan at taga tinda kami ng karne(basahan na binabad sa tubig)
- mahilig sya kumain ng goto pag nagala kami dati
- nag-aagawan kami ng crush nung bata pa kami. (ngayon di namin alam kung bakit namin pinag-agawan ang mga yun)
- para syang tomboy before, pero mas malandi sya sakin
- mahilig kami gumawa ng letters para sa isa't isa. (pero magkapitbahay lang kami)
- sa letters namin ang address ko ay Galaxy World Planet Venus code no. 143443
at ang kanya ay, Slamming Planet P.O Box 45 st. Chum. Hindi ko alam kung san namin mga pinagkukuha yan. Sabi na nga ba alien kami.
- nirerecord namin ang pag-uusap namin, papakinggan namin yun at hindi kami makapaniwala na boses namin yun. (abnoy)
- mahilig sya magsulat sa diary nya. At ako ang no.1 reader nya.
- nagawa sya ng short stories, at kami ang bida.
- may nagtangkang sumira ng friendship namin, pero gumawa kagad kami ng plan at natiklo ang salarin
- tuwing November nanonood kami ng Magandang Gabi Bayan sa bahay nila, pagkatapos ay manonood kami ng cartoons para mawala ang takot.
- Kapag Xmas Party lagi kami ang natitirang magkalaban sa "egg catching"... Lagi sya ang champion.
- Dahil memorable ang "egg" na ginamit sa egg catching ay itinago nya yun..hanggang sa bumaho na ang kwarto nya at hindi na nakaya ng tatay nya ang amoy at napilitan sya na itapon yun.wahaha baliw!
Yan ang bestfriend ko.walang katulad. Matino kung minsan, pero abnoy parin.
*credits: festival kit from shabbyprincess